in

Benedix Ramos inilunsad ang gagong awitin na ‘Hindi Ka Sa Akin’

Napapanood na rin ang “Hindi Ka Sa Akin music video sa ABS-CBN Star Music YouTube channel kung saan kasama niya ang ASEAN Film Awards best actress na si Majoy Apostol.

Inilabas na ng dating “Pinoy Big Brother Kumunity season 10″ celebrity edition housemate na si Benedix Ramos ang kanyang unang solo single sa ilalim ng Star Music na pinamagatang “Hindi Ka Sa Akin.”

Isinulat ni Benedix ang mellow pop track na nagkukuwento ng pagkahulog sa isang taong may ibang minamahal. Iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Napapanood na rin ang “Hindi Ka Sa Akin music video sa ABS-CBN Star Music YouTube channel kung saan kasama niya ang ASEAN Film Awards best actress na si Majoy Apostol.

Nagsimula ang journey ni Benedix sa industriya bilang isang online streamer sa YouTube kung saan ibinabahagi niya ang kanyang vlogs at song covers. Naging parte siya ng “PBB” matapos manalo sa “Online Bahay ni Kuya” campaign sa Kumu na nagdala sa kanya upang maging opisyal na housemate ng celebrity edition.

Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Sayaw Ng Mga Tala” kasama si Vivoree at “Hindi Pa Natin Alam” kasama si Trisha Denise na naging bahagi ng official soundtrack ng iWantTFC series na “Tara, G!” Bukod sa musika, pinasok rin niya ang mundo ng teatro at naging kasama sa musicals na “Ang Huling El Bimbo” at “Tabing Ilog.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Donny Pangilinan at Belle Mariano, ipinasilip kay Mj Felipe ang set ng ‘Can’t Buy Me Love’ sa ‘Tao Po’

‘Can’t Buy Me Love’, no. 1 sa Netflix PH; tumabo na ng 500 million views sa Tiktok