in

Donny Pangilinan at Belle Mariano, ipinasilip kay Mj Felipe ang set ng ‘Can’t Buy Me Love’ sa ‘Tao Po’

Ibabahagi rin ng Kapamilya stars kay MJ ang kanilang pakiramdam na mayroon na silang unang primetime series at kabilang sa mga tinitingalang mga bituin sa industriya.

Magsisilbing tour guides sina Donny Pangilinan at Belle Mariano kay entertainment reporter MJ Felipe sa set ng kanilang bagong serye na “Can’t Buy Me Love” na mapapanood ngayong Linggo (Oktubre 15) sa bagong episode ng “Tao Po.”

Ibabahagi rin ng Kapamilya stars kay MJ ang kanilang pakiramdam na mayroon na silang unang primetime series at kabilang sa mga tinitingalang mga bituin sa industriya.

Samantala, usapang heart-to-heart naman ang mapapanood ng viewers kasama sina Bernadette Sembrano at ang model-turned-entrepreneur na si Trina Candaza na magku-kwento tungkol sa kanyang mga karanasan bilang single mom.

Mapupuno rin ng inspirasyon ang Linggo dahil itatampok ni Kabayan Noli de Castro ang kwento ng single father na si Vincent Dereza na nagbebenta ng sorbetes sa kabila ng kanyang kapansanan para mapag-aral ang kanyang mga anak.

Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Oktubre 15) sa “Tao Po” mula 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyla, inilunsad ang sariling bersyon ng ‘Hanggang Kailan’

Benedix Ramos inilunsad ang gagong awitin na ‘Hindi Ka Sa Akin’