in

Ivana Alawi, nagrenew ng kontrata sa ABS-CBN

Nakasama ni Ivana sa naturang contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, Star Magic handler na si Alan Real, at talent manager na si Perry Lansigan.

Pumirma muli ng panibagong network contract sa ABS-CBN ang aktres at na social media star na si Ivana Alawi nitong Miyerkules (Hulyo 19).

“I feel so happy and I feel so blessed. I am here where I’m supposed to be,” aniya. “I have three things that I’m very very thankful for. Of course, unang una sa mga bosses po natin dito sa ABS-CBN, maraming maraming salamat sa tiwala, sa suporta at sa pagmamahal niyo sa akin. Of course to my manager, kuya Perry, Star Magic, Sir Lauren, maraming salamat.”

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang ABS-CBN COO of broadcast na si Cory Vidanes sa pananatili ni Ivana sa kumpanya.

“Maraming maraming salamat, Ivana, sa patuloy mong pagbigay ng tiwala at pagpapahalaga sa ABS-CBN, sa aming lahat, at sa ating mga Kapamilya. I assure you that we will continue to take care of you and we will build an even stronger relationship as I promised you. Maraming salamat sa sinseridad, sa pagmamahal, at sa pagpili mong manatili kasama namin sa pagbibigay saya, inspirasyon, pag-asa, at serbisyo sa lahat ng Pilipino sa buong mundo,” sabi niya.

Nakasama ni Ivana sa naturang contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, Star Magic handler na si Alan Real, at talent manager na si Perry Lansigan.

Inawit naman ng ‘The Voice’ na si Jed Madela ang theme song ng “A Family Affair” na “Akin Ka Na Lang” kasabay ng pagpasok ni Ivana sa contract signing event. Nagsilbing host naman ng event si Robi Domingo.

Samantala, ibinahagi ni Ivana na nagsisimula na ang kanyang preparasyon para sa mga susunod niyang proyekto.

“We’re doing teleseryes this year and meron ding mga movies. So ‘yun, maraming exciting na projects na parating,” kwento niya.

Looking forward naman siya na makatrabaho sina Coco Martin, Joshua Garcia, at KathNiel sa kanyang pananatili sa ABS-CBN.

Mahigit tatlong taon na nung unang pumirma si Ivana ng kontrata sa ABS-CBN matapos mapabilang sa “Mea Culpa: Sino ang Maysala” at “FPJ’s Ang Probinsyano.” Nasilayan naman ng manonood ang galing niya sa pag-arte sa pagbibida sa revenge drama series na “A Family Affair” noong nakaraang taon kung saan nakasama niya sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake, at Sam Milby. Bumida rin siya sa blockbuster movie na “Partners In Crime” kasama si Vice Ganda.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Guarantor sa utang? Narito ang mga dapat tandaan, ayon sa ‘CIA with BA’!

Alfred Vargas, bumaba ang self esteem at na-depress nang lumaki