in

Guarantor sa utang? Narito ang mga dapat tandaan, ayon sa ‘CIA with BA’!

Nilatag naman ng magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama ang TV host na si Boy Abunda, sa kanya at sa mga manonood ang mga tuntunin na dapat tandaan kung pipirma bilang guarantor sa isang loan agreement.

Dumulog ang isang babae sa ‘CIA with BA’ matapos maging guarantor sa utang ng kanyang kumare na nagkakahalaga ng Php 280,000.00.

Lumapit si Aneesha (biktima) sa segment na “Payong Kapatid,” base sa replay episode na ipinalabas nitong Hulyo 16, dahil sa kasamaang-palad, hindi na mahagilap ang kumare niya at hindi ito nagbayad sa utang kaya siya na ang siningil ng nagpautang. Kinailangan niyang humiram ng pera kung kani-kanino para mabayaran ang malaking halaga.

Nilatag naman ng magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama ang TV host na si Boy Abunda, sa kanya at sa mga manonood ang mga tuntunin na dapat tandaan kung pipirma bilang guarantor sa isang loan agreement.

“Rule number one, isipin mo na na ikaw ang magbabayad,” ayon kay Senador Alan.

“Rule number two, i-guarantee mo ‘yung kaya mo lang,” pagpapatuloy niya.

“Rule number three, kumuha ka ng sarili mong guarantee, which is not necessarily a guarantor. What is that guarantee? Kung meron siyang isasangla sa ‘yo,” pagpapaliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Senador Pia na mahalagang malinaw na nasasaad sa kasunduan kung ano ang talagang i-garantiya ng isang guarantor kung sakaling ang aktwal na nangungutang ay hindi na makabayad.

“Principal ba? Interes ba? Kahit one paragraph lang ‘yan, napakahalaga niyan,” sabi niya.

Bago matapos ang segment, nangako ang mga host na tutulungan si Aneesha sa legal at praktikal na paraan upang makabayad pa siya sa kanyang mga pinagkakautangan.

“It’s a painful lesson but sometimes the most painful lesson—pinakamatatamis naman ‘yung bunga pag natutunan na natin ‘yung lesson na ‘yon,” sabi ni Senador Alan.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama nina Senador Alan Peter at Pia. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang Compañero y Compañera noong 1997 hanggang 2001.

Panoorin ng ‘CIA with BA’ tuwing Linggo, 11:30 ng gabi.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gus Abelgas, magbabalik telebisyon sa One PH

Ivana Alawi, nagrenew ng kontrata sa ABS-CBN