in

Alfred Vargas, bumaba ang self esteem at na-depress nang lumaki

Kaya naman sinimulan ni Alfred ang pag-eehersisyo at ipinakita niya sa kanyang YT channel ang ilang ehersisyong nakatulong sa pagbaba ng kanyang timbang.

Matindi pala ang pinagdaanan ni Alfred Vargas nang madagdagan ang timbang at talagang medyo lumihis sa dating nakasanayan natin sa kanya, iyong mayroong matipunong katawan. Isa nga siya sa matatawag na hunk actor noong aktibong-aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula.

Sa Youtube channel ng konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City, ang Vargas Tries, pwede! inamin nitong bumaba ang kanyang self esteem at na-depress dahil tumimbang siya ng 251 lbs..

Anang konsehal sa unang episode ng kanyang YT channel, “May aaminin ako sa inyo, there was a time bumaba talaga ang self esteem ko, nagiba ang buhay ko. I was so depressed.

“Hindi ko nahalata isang umaga pagharap ko sa salamin kahit ‘yung sarili ko hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon parang gumuho ang mundo ko and doon parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Unti-unti umabot na pala ako sa 251 lbs.”

Sinabi pa ni Alfred na nag-iba ang buhay niya sa paglaki ng katawan niya. Nariyang na-feel niyang ang tanda-tanda na niya.

“Dati kapag nasa mall ako ‘yung mga tao tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred’ tapos lately medyo lumaki na ako, ‘yung iba hindi na ako nakikilala tapos ‘yung iba naman nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin Tito Alfred na.

“So what’s funny about this hindi ko nahalata. Isang umaga pagharap ko sa salamin kahit sarili ko hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon parang gumuho ang mundo ko and ‘yun ang pinaka-wake-up call ko.

“Sabi ko dapat magbago ako and this time around nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects, I will do this for my children and para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can.

“From 251 lbs now I am 201 lbs,” sambit pa ni Alfred na tatlong taon pala niyang struggle ito sa kanyang buhay.

Kaya naman sinimulan ni Alfred ang pag-eehersisyo at ipinakita niya sa kanyang YT channel ang ilang ehersisyong nakatulong sa pagbaba ng kanyang timbang. Ito ang Parkour na sa tulong ni Ms Kate Robles, isang single mom na may katulad ding problema ni Alfred at coach Raven Cruz itinuro nila ang paraang ito.

Ang Vargas Tries, pwede! ay regalo ni Konsi Alfred kasama ang kapatid na si Cong. PM Vargas sa kanilang mga Solid Friendship na 18 taon na nilang kasama. Kaya ang tanong nila, “ready ka na ba? ACTV18…”

Sa kanilang YT channel ay pwedeng mag-request ang fans sa gustong ipagawa kay Alfred. Na sabi nga niya, marami na siyang nagawa. “Nasubukan ko na maging tatay on cam, at ngayon off cam na rin. Nasubukan ko nang maging sundalong diwata at naging sireno na rin at naging bayani na rin ako. Pati ang paglilingkod pinasok na rin natin.

“Eh ano pa ba ang gusto n’yong i-try natin? Maging driver? O maging magsasaka? Maging teacher, maging barangay tanod? O maging talk show host. Pwede?

“Samahan n’yo akong subukan ang iba’t ibang larangan dito lang sa ‘Vargas Tries, pwede? Pwede!’,” pag-imbita ni Alfred sa kanyang YT channel na every two weeks ay may bago silang upload. Pero sa mga susunod na buwan, linggo-linggo na tayong makakapanood ng mga latest sa magkapatid na Vargas.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, sabi nga ni Alfred, click the button and share.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ivana Alawi, nagrenew ng kontrata sa ABS-CBN

Chie Filomeno, Anji Salvacion, at Jake Ejercito, solid Kapamilya pa rin