in

‘Drag You and Me’ stars Andrea Brillantes at Christian Bables, BGYO at Bini, may pasilip sa kani-kanilang shows

Bukod naman sa “Drag You and Me” at “BINI X BGYO US Adventures,” patuloy na tangkilikin ang iba pang ‘Made for YouTube’ shows tulad ng “Sparks Camp,” “Love Bites Season 2,” “UMH Europe Experience,” “Dirty Linen: All Access,” “Star Magic: Conversations,” at marami pang iba.

Hindi na mahuhuli ang viewers at fans sa mga ganap nina Andrea Brillantes, Christian Bables, BGYO, at BINI dahil papasukin nila ito ng LIBRE sa kani-kanilang backstage ganaps and never before seen footages ng kani-kanilang shows ngayong Hunyo.

Sa isang two-part special na mapapanood sa YouTube channel ng iWantTFC, samahan sina Andrea at Christian sa kanilang bonding kasama ang cast ng “Drag You and Me” sa Divine Divas concert na idinirehe ng kapwa nilang cast member na si Ice Seguerra tampok ang sikat na drag queens na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas Deluxe. Abangan din ang pasabog na performance ni Andrea sa nasabing concert. Magbibigay din sila ng pasilip sa kanilang paggawa ng performances bilang drag queens sa palabas. Abangan ang nasabing special episodes ngayong Hunyo 12 at Hulyo 10.

Isang dream collab naman ang ibibigay ng sibling groups na BINI at BGYO sa kanilang “BINI X BGYO US Adventures.” Abangan ang personal stories at never-before-seen experiences ng grupo sa US. Huwag din palampasin ang pagbisita nila sa kani-kanilang pamilya sa US pati na rin ang busking na ginawa nila sa iba’t ibang parte ng bansa. Paniguradong doble sa saya, adventures, at drama ang matutunghayan ng ACES at Blooms simula Hunyo 22 sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Bukod naman sa “Drag You and Me” at “BINI X BGYO US Adventures,” patuloy na tangkilikin ang iba pang ‘Made for YouTube’ shows tulad ng “Sparks Camp,” “Love Bites Season 2,” “UMH Europe Experience,” “Dirty Linen: All Access,” “Star Magic: Conversations,” at marami pang iba.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba’t ibang shows handog ng ‘Made For YouTube, i-follow ang @abscbn sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vice Ganda, ibinandera ang confidence sa ‘Rampa’

ABS-CBN, naglabas ng pahayag tungkol sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GTV mula TV5