in

ABS-CBN, naglabas ng pahayag tungkol sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GTV mula TV5

Lubos ang aming pasasalamat sa GTV Channel ng GMA at nakahanap ng isa pang tahanan ang “It’s Showtime.”

Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN kay TV5 Chairman Manny Pangilinan para sa kanyang pagsuporta sa ABS-CBN at sa paghahatid ng “It’s Showtime” sa mas maraming manonood sa pamamagitan ng aming content partnership.

Dahil sa bagong programming ng TV5, ikinalulungkot naming ibalita na hindi na mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 simula 1 July 2023.

Sa loob ng labing-apat na taon, walang patid na saya ang hatid ng “It’s Showtime” sa Madlang People sa loob at labas ng bansa. Pinahahalagahan namin ang magandang samahan na nabuo namin sa mga manonood tuwing tanghali. Dahil dito, minabuti naming tanggihan ang 4:30 pm time slot na inalok ng TV5 para sa programa.

Tinitiyak namin sa mga manonood ng “It’s Showtime” na patuloy nilang mapapanood ang kanilang paboritong noontime show sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali.

Lubos ang aming pasasalamat sa GTV Channel ng GMA at nakahanap ng isa pang tahanan ang “It’s Showtime.”

Simula 1 July 2023, mapapanood na rin ang “It’s Showtime” sa GTV mula Lunes hanggang Sabado ng 12 ng tanghali. G na G na tayo, Madlang People!

Maraming, maraming salamat sa mga manonood na nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime” at sana ay patuloy kayong mapasaya ng aming programa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Drag You and Me’ stars Andrea Brillantes at Christian Bables, BGYO at Bini, may pasilip sa kani-kanilang shows

ABS-CBN at ABS-CBN News, nagpahayag sa pagpanaw ni Mario Dumaual