in

Vice Ganda, ibinandera ang confidence sa ‘Rampa’

Unang ipinerform ni Vice ang kanyang awitin sa coronation night ng Binibining Pilipinas noong Mayo 28 na naganap sa Araneta Coliseum.

Punong-puno ng kumpiyansa at karisma ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa music video ng kanyang bagong single na “Rampa.”

Sa “Rampa” ibinida ni Vice ang kahalagahan ng pagiging empowered ano man ang kasarian o lahi. Isinulat ito ni Vice kasama sina ABS-CBN creative director Jonathan Manalo, Star Pop label head Rox Santos, EJ Bollano, Loriebelle Aira Darunday, at Justin Catalan na nag-produce at areglo ng awitin.

Tampok naman sa music video sina Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Samantha Bernardo, at SLAY Model Search Asia 2023 runner-up Abby Eclanir at Sauce Chulalakkul. Sa loob ng anim na araw, umani agad ito ng mahigit 200,000 views sa YouTube.

Unang ipinerform ni Vice ang kanyang awitin sa coronation night ng Binibining Pilipinas noong Mayo 28 na naganap sa Araneta Coliseum.

“Quick fact: I wrote that song for Binibining Pilipinas. I was thinking of Binibining Pilipinas when I wrote that song. Now, I am just so happy na nandito na ako, finally performing that song sa swimsuit competition,” saad niya.

Bukod sa kanyang blockbuster movies at pagiging “It’s Showtime” host, kilala rin si Vice sa kanyang viral songs tulad ng “Karakaraka,” “Boom Panes,” at “Wag Kang Pabebe.”

Pakinggan ang bagong single ni Vice Ganda na “Rampa” na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vivoree Esclito, mapait ang karanasan sa ‘Dalawang Isip’

‘Drag You and Me’ stars Andrea Brillantes at Christian Bables, BGYO at Bini, may pasilip sa kani-kanilang shows