in

Vivoree Esclito, mapait ang karanasan sa ‘Dalawang Isip’

Pakinggan ang damdamin ni Vivoree sa bagong single na “Dalawang Isip” na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Masakit na pamamaalam sa isang relasyon ang hatid na kwento ng Kapamilya artist na si Vivoree sa kanyang bagong single na “Dalawang Isip.”

Ibinuhos niya sa awitin ang kanyang damdamin para sa isang espesyal na tao habang pinapalaya niya ito mula sa kanilang relasyon. Isinulat ito ng Himig Handog 2020 winner na si Danielle Balagtas at iprinodyus ni Ashley Aunor na isa rin sa bumuo sa kanyang single na “Mapatang.”

Nakatakda rin niyang ilabas ang kanyang debut EP ngayon taon na binubuo niya kasama ang ilan sa mahuhusay na female songwriters at producers sa industriya.

“Gusto ko sana na all-female yung songwriters pati producers ng EP because I want it to be about courage and women empowerment at the same time,” saad ni Vivoree.

Nitong Pebrero, inilabas niya ang awitin na “Matapang” na nagsilbing unang patikim niya sa kanyang ilulunsad na EP. Umani ito ng halos 300,000 views sa YouTube at mahigit 120,000 streams sa Spotify sa kasalukuyan. Nakasama rin ni Vivoree sa music video ng kanta ang kapwa Kapamilya actor na si Brent Manalo.

Bukod sa pag-awit, nakilala rin si Vivoree bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” noong 2016. Bumida rin siya sa iba’t ibang programa tulad ng “He’s Into Her,” “Tara, G!” at “The Iron Heart.”

Pakinggan ang damdamin ni Vivoree sa bagong single na “Dalawang Isip” na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Primetime shows ng ABS-CBN, nagtala ng bagong online record sa loob ng isang gabi

Vice Ganda, ibinandera ang confidence sa ‘Rampa’