in

PBB Celebrity Housemate Anji Salvacion, inilabas na ang single na ‘Dalampasigan’

Inilabas na ni Anji Salvacion ang bago niyang single na “Dalampasigan” na siya mismo ang sumulat sa loob ng “Pinoy Big Brother” house noong Disyembre para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Inilabas na ni Anji Salvacion ang bago niyang single na “Dalampasigan” na siya mismo ang sumulat sa loob ng “Pinoy Big Brother” house noong Disyembre para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Inaalay din ni Anji ang kanta para sa kanyang hometown na Siargao at nagtatampok din ng hiling ng isang batang babae na makapiling ang kanyang pamilya. Hatid ng “Dalampasigan” ang sariling karanasan ni Anji at childhood memories kapiling ang kanyang ama.

Inawit ng kinilalang ‘Singing Sweetheart ng Siargao’ ang kanta na ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos sa livestreamed benefit concert na “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Andito Tayo para sa Bawat Pamilya” ng ABS-CBN Foundation.

Isa si Anji sa “PBB Kumunity Season 10” Top 2 celebrity housemates. Napapanood siya “ASAP Natin ‘To” at magiging co-host sa “Bida Star Singer,” ang virtual reality show ng ABS-CBN na naghahanap ng susunod na online singing sensation.

Napanood din ang Star Magic artist at miyembro ng The Squad Plus sa iWantTFC series na “Unloving U” noong nakaraang taon kung saan siya rin ang umawit ng official soundtrack na “Keeps On Coming Back.” Siya rin ang kumanta ng OST ng “Marry Me, Marry You” na pinamagatang “Buo” at ng “My Sunset Girl” na may titulong “Don’t Be Afraid.”

Balikan ang magagandang alaala sa awitin ni Anji na “Dalampasigan” na available na ngayon sa iba’t ibang digital platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jodi Sta. Maria, pinapahirapan ni Zanjoe Marudo sa ‘The Broken Marriage Vow’

Jericho Rosales, excited para sa dream int’l project niyang ‘Sellblock’