in

Viral Tiktok artist na si Angela Ken ABS-CBN Music artist na, ire-release ang full version ng ‘Ako Naman Muna’

Pinakabagong artist ng ABS-CBN Music ang singer-songwriter na si Angela Ken na unang nakilala sa TikTok nang iparinig niya ang unfinished original song niyang “Ako Naman Muna,” na nakatakda nang i-release ang buong bersyon sa Biyernes (March 5).

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan manalo ang naka-discover sa folk-pop artist matapos mag-viral sa TikTok ang “Ako Naman Muna” video niya, na sa ngayon ay meron nang 1.3M likes at 21.2K comments mula sa mga nabitin sa bahagi ng kanta na ipinost niya. Si Jonathan mismo ang personal na kumontak sa kanya para alukin siya ng recording at management contract.

“Your support and appreciation to the song has reached all around the country. I want to thank all of you for everything kasi ‘di ko maaabot ‘tong kinahahantungan ko kung hindi dahil sa inyo,” sabi niya sa isang TikTok video noong Valentine’s Day kung saan inansunyo niya ang release ng buong kanta.

Dapat lang naman na mapakinggan nang buo ang kanta dahil nagpapakita ito ng kahinaan ng isang tao gamit ang tagos-pusong lyrics nito at kalmadong boses ni Angela. May mensahe rin ng self-love ang chorus nito pero binibigyang-halaga rin ang pagdaan sa pagsubok sa mga verse nito.

Swak na swak ang “Ako Naman Muna” para maipamalas ng 18-anyos ang kanyang talento sa musika, lalo na’t bida sa kanyang debut single ang mala-anghel niyang tinig at madamdaming pagsulat ng kanta na sinamahan ng simpleng tunog ng gitara.

Pahalagan ang sarili at pakinggan ang debut single ni Angela na “Ako Naman Muna” sa iba’t ibang digital music services simula sa Biyernes (March 5). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kevin Santos, gaganap na ‘Petite’ sa #MPK

Reese Tuazon, masayang nasasaksihan ang milestones ng anak