in

Kevin Santos, gaganap na ‘Petite’ sa #MPK

Bibigyang-buhay ng Kapuso actor na si Kevin Santos ang kwento ng komendyanteng si ‘Petite’ o Vincent Aychoco sa brand new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado (March 6).

Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent (Kevin), pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin (Dennis Padilla) kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Makikilala ni Vincent si Jessica (Snooky Serna), isang babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya. Kaya kahit kasing edad nito ang kanyang ina, makikipagrelasyon siya rito para mapasaya ang kanyang ama. May anak din si Jessica na kasing edad ni Vincent, si Alma (Ashley Rivera).

Laking gulat nina Vincent at Jessica nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalang-tao pa ang dalaga. Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito?

Tutukan ang episode ng #MPK na pinamagatang “When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story” ngayong Sabado, 8:00 pm, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dan Ombao, patuloy na umaasa sa pag-ibig sa awiting ‘Saranggola’

Viral Tiktok artist na si Angela Ken ABS-CBN Music artist na, ire-release ang full version ng ‘Ako Naman Muna’