in

Reese Tuazon, masayang nasasaksihan ang milestones ng anak

Isa ang Kapuso actress na si Reese Tuazon sa celebrity moms na nanganak sa gitna ng COVID-19 pandemic. Oktubre noong nakaraang taon nang ipinanganak niya ang kanyang baby girl na si Vianna.

“March 6 ko nalaman na pregnant ako, tapos ‘di ba March 13 lockdown agad? So, the whole pregnancy I’d say, the whole first quarter to mga second quarter, nasa bahay lang talaga ako,” kuwento niya sa GMANetwork.com.

Sa ngayon, ini-enjoy ni Reese ang kanyang motherhood journey at natutuwa siyang nakikita niya ang milestones ni Vianna habang lumalaki ito. “Right now, nasa four months, nagtu-turn-turn na siya. Nagpa-practice na siyang mag-turn. She can grab things. Even when she was parang one month pa lang, nakikita na namin siyang nagsa-smile. Two months pa lang nagku-coo na siya, nagsasalita.”

Nakapag-adjust na rin daw siya sa kanyang routine bilang isang ina at hindi niya rin kinakaligtaang magkaroon ng me-time.

Payo niya sa fellow mommies, “Maligo ka lang o ‘di kaya magputol ka ng kuko. Trim your nails. Simple things like that or order food na masarap na favorite mo. ‘Yun lang ‘yung nakaka-uplift ng spirits ko sometimes. Very simple things lang.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Viral Tiktok artist na si Angela Ken ABS-CBN Music artist na, ire-release ang full version ng ‘Ako Naman Muna’

Zanjoe Marudo, binugbog ni Paulo Avelino sa ‘Walang Hanggang Paalam’