in

Kyla, inilunsad ang sariling bersyon ng ‘Hanggang Kailan’

Isinulat ni Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos ang awitin katulong si Cynthia Roque. Si Rox din ang nagprodyus ng bagong bersyon ng awitin kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Binigyan ng bagong timpla ng Kapamilya singer na si Kyla ang hit OPM single na “Hanggang Kailan.”

Unang inawit ni Michael Pangilinan ang ballad track na nagkukuwento ng masalimuot na paghihintay sa isang taong hindi naman kaya suklian ang natatanggap na pag-ibig.

Isinulat ni Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos ang awitin katulong si Cynthia Roque. Si Rox din ang nagprodyus ng bagong bersyon ng awitin kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Ang tinaguriang Queen of R&B na si Kyla ay nakilala sa kanyang boses at kakaibang estilo ng pagkanta na tumulong magpasikat ng R&B at soul music sa bansa. Ilan sa pinasikat niyang awitin ay ang “Hanggang Ngayon,” “Huling Sayaw,” at ang kanyang rendition ng “On The Wings of Love.” Nakasama rin niya ang international artist na si Brian McKnight Jr. para sa awitin na “COY (Cuz Of You) na inilabas noong nakaraang taon.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bretman Rock, Manila Luzon, ibang Fil-Am celebs, sinuportahan ang Hollywood premiere ng ‘A Very Good Girl’ nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon

Donny Pangilinan at Belle Mariano, ipinasilip kay Mj Felipe ang set ng ‘Can’t Buy Me Love’ sa ‘Tao Po’