in

Drei Sugay, nabighani sa bagong single na ‘Iyong Mga Mata’

Iyong mga mataUnang nakilala si Drei nang sumali siya sa ikalawang season ng “The Voice Teens Philippines” kung saan naging coach niya ang Fil-Am singer na si Apl.de.Ap.

Tamis ng pag-ibig sa tuwing nasisilayan ang mga mata ng taong mahal ang ibibida ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong awitin na “Iyong Mga Mata” na mapapakinggan na simula Biyernes (Setyembre 8).

“The song is about falling in love at first sight. Looking into someone’s eyes is like looking deep into who they really are. Sabi nga nila, the eyes are the window to the soul, and they never lie,” saad niya.

Isinulat ng Star Pop artist ang awitin habang iprinodyus naman ito ng Nameless Kids vocalist na si Nhiko Sabiniano.

Unang nakilala si Drei nang sumali siya sa ikalawang season ng “The Voice Teens Philippines” kung saan naging coach niya ang Fil-Am singer na si Apl.de.Ap. Muli siyang bumalik sa entablado nang makasama siya sa “Idol Philippines” season 2 at naging bahagi ng 12 finalists nito.

“From ‘The Voice Teens PH’ and ‘Idol PH,’ dala-dala ko yung learning na always keep moving forward. ‘Wag na ‘wag titigil sa pag-improve and pag-hone ng talent and keep an open mind kasi there’s always something na matututunan sa kada situation,” aniya.

Pakinggan ang bagong awitin ni Drei na “Iyong Mga Mata” simula Biyernes (Setyembre 8) sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga Mangangalakal, nagwagi ng mahigit Php 2M bilang jackpot prize sa ‘Everybody Sing!’

Bryan Chong, ibinuhos ang damdamin sa ‘Di Pa Ba Sapat’