in

Mga Mangangalakal, nagwagi ng mahigit Php 2M bilang jackpot prize sa ‘Everybody Sing!’

Vice Ganda, nadismaya dahil sa tagal ng paghula sa kanyang kanta na ‘KaraKaraka’

Naging maswerte ang weekend ng 100 na mangangalakal nang maiuwi nila ang jackpot prize na P2,200,000 sa “Everybody, Sing!” noong nakaraang Sabado at Linggo (Setyembre 2 at 3).

Sa pre-jackpot round noong Sabado, mayroong 74 na segundo ang mga kalahok para hulaan ang 10 kanta. Nanalo sila ng P200,000 pre-jackpot prize dahil kanta ni Vice Ganda na “KaraKaraka” matapos ang paghihirap na mahulaan ito nang maraming beses. Nag-viral sa social media ang pag-uusap ng mga contestantant at ni Vice Ganda.

Sa jackpot round noong Linggo, mayroong 86 na segundo ang grupo para hulaan na naman ang 10 kanta, na nadagdagan pa ng 10 segundo pagkatapos makuha ang bonus na kanta. Nanalo sila ng P2 million jackpot prize matapos mahulaan nang tama ang “Kabataan Para Sa Kinabukasan” ni Francis Magalona.

“Itong araw na ito ay nakatadhana para maging masaya kayong lahat. Sa dinami-dami ng ginagawa niyong paghihirap, pagtitiis, at pagsasakripisyo araw-araw, deserve niyo naman ‘yung oras na nagsasaya na kayo, kumikita pa kayo,” sabi ni Vice Ganda sa mga emosyonal na mangangalakal matapos manalo ng jackpot.

Bukod sa songbayanan na ito, ang grupo ng engaged couples at Manila fire survivors pa lang ang nanalo ng P2,000,000 jackpot prize sa ikatlong season ng palabas.

Abangan ang “Everybody, Sing!”, ang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards 2023, tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

Para sa pinakabago sa “Everybody, Sing!”, sundan ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, X (dating Twitter), at Instagram.

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ian Veneracion at Albert Martinez, pinaghahandaan ang big ending ng ‘The Iron Heart’

Drei Sugay, nabighani sa bagong single na ‘Iyong Mga Mata’