Tungkol sa pag-ibig na hindi nasuklian ang bagong awitin ng dating “Idol Philippines” season 2 finalist na si Bryan Chong na “Di Pa Ba Sapat” na mapapakinggan ngayong Biyernes (Setyembre 8).
Nang marinig palang niya ang awitin, nagustuhan agad ni Bryan ang mensahe nito at nakikita niya rin ito na magiging magandang awitin para sa mga pelikula.
“Naisip ko pa na pag sumikat itong song, ang sarap niya gamitin sa movies,” aniya.
Isinulat ni Ralph Maligro ang awitin habang iprinodyus naman ito ng Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos.
Nagsimula ang journey ni Bryan nang sumali siya sa unang season ng “The Voice Teens Philippines” noong 2017 kung saan napahanga niya ang mga manonood at maging ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang blind auditions performance ng “Kahit Kailan.”
Pakinggan ang bagong awitin ni Bryan na “Di Pa Ba Sapat” na available sa iba’t ibang music streaming platforms ngayong Biyernes. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.