in

Ian Veneracion at Albert Martinez, pinaghahandaan ang big ending ng ‘The Iron Heart’

Sagupaan nina Richard at Jake, malapit na…

Puspusan ang paghahanda ng award-winning actors na sina Ian Veneracion at Albert Martinez sa nalalapit na pagtatapos ng hit primetime series na “The Iron Heart.”

“Definitely, it will be a big, big ending,” saad ni Albert.

“Big for sure. Maraming twists and turns na hindi pa namin pwede sabihin so dapat abangan,” dagdag ni Ian.

Masaya rin ang dalawang aktor na makatrabaho ang isa’t isa sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapamilya aksyon serye.

Pagkwe-kwento ni Ian, “I have been looking forward to doing a scene with Kuya A. We have met many times before at maliit ang showbiz kaya lahat yata nakatrabaho ko na. Tayo, we have never done a scene together.”

“Ang magandang nangyari sa amin in this show is complimentary yung atake na gagawin namin. Whatever he gives me, nagagamit ko. Whatever I give him, nagagamit din niya so maganda yung exchange namin,” pagbabahagi ni Albert sa mga eksena nila ni Ian.

Samantala, malapit nang mangyari ang sagupaan nina Apollo (Richard Gutierrez) at Eros (Jake Cuenca) ngayong agresibo na ang lider ng Tatsulok na si Apollo na pabagsakin ang Altare.

Sa kabilang banda, mas lalaki pa ang hinala ni Menandro (Ian Veneracion) kay Eros dahil sa mga kahina-hinalang kilos nito.

Abangan ang mga pasabog na eksenang ito sa “The Iron Heart,” tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “‘Batang Quiapo” sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Celebrities suportado si Rhea Tan sa 14th anniversary celebration ng Beautéderm

Mga Mangangalakal, nagwagi ng mahigit Php 2M bilang jackpot prize sa ‘Everybody Sing!’