in

Misha de Leon ng ‘Idol PH’ S2, naglabas ng debut single

Tulad ng ibang kabataan, naranasan na rin niya ang malagay sa parehong sitwasyon tulad ng nakapaloob sa “Damdamin.”

Naglunsad na ng kanyang debut single na “Damdamin” ang dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Misha De Leon.

Tungkol ang kanta sa pinagdaraanan ng matalik na magkaibigan na humaharap sa pagsubok ng pag-ibig. Si Jungee Marcelo ang sumulat at nagprodyus ng kanta.

“The song ‘Damdamin’ really hits me right in the feels, you know? It’s a groovy song that depicts a person who isn’t ready for a romantic relationship with someone, and it makes me imagine the emotions of that person who rejected the one who confessed their feelings,” kwento ni Misha.

Tulad ng ibang kabataan, naranasan na rin niya ang malagay sa parehong sitwasyon tulad ng nakapaloob sa “Damdamin.” “It was quite a rollercoaster, filled with ups and downs. However, I believe in the importance of timing,” diin niya. “I believe this track would resonate with a lot of people, especially young adults o kabataan na hindi pa ready para sa isang relationship.”

Pagkatapos ng kanyang stint sa “Idol PH,” excited na ang baguhang Kapamilya singer na magkaroon ng sarili niyang musika. Aniya, meron siyang ‘melting pot of inspiration’ mula sa iba’t ibang musical influences.

“From the soulful sounds of Amy Winehouse and Kz Tandingan, to the electrifying beats of BTS and Arctic Monkeys, and even the timeless classics of Adele and Rihanna, my musical taste is diverse. I’m always open to exploring different styles and vibes to help me learn more about my own style and genre,” pagbabahagi ng bagong Star Pop artist.

Pakinggan ang “Damdamin” single ni Misha na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I’m Feeling Sexy Tonight’ ni Viñas Deluxe, umani ng kalahating milyong streams

Primetime shows ng ABS-CBN, nagtala ng bagong online record sa loob ng isang gabi