in

Maki, nagbalik-tanaw sa dating pag-ibig sa ‘Saan?’ music video

Swak ang MV sa pananabik sa dating minamahal na mensahe ng kanta. Isinulat ito ni Maki, prinodyus ni Nhiko Sabiniano, at mastered ni Moophs.

Makulay ang naging pagganap ni Maki sa isang lalaking nasawi sa pag-ibig sa music video ng kanyang awiting “Saan?” kung saan tampok bilang kapareha niya ang young Kapamilya actress na si Karina Bautista.

Nakakakilig ang mga eksena nila habang naglalakad sa iba’t ibang lugar sa Baguio City at nagbobonding bilang couple.

“The music video’s concept is about heartbreak and reminiscing memories that can be extremely devastating,” paliwanag ni Maki na masayang nakatrabaho niya si Karina para sa kauna-unahan niyang music video.

“Working with Karina was nothing but fun and chaos – in a good way,” kwento niya.

Samantala, ibinahagi naman ni Karina na naging close sila ni Maki dahil sa MV shoot. “He [Maki] was shy at first but when he eventually warmed up, he is the brightest and happiest person. We immediately became close which helped me in most of our scenes,” sabi ng dating “PBB Otso” contestant.

Swak ang MV sa pananabik sa dating minamahal na mensahe ng kanta. Isinulat ito ni Maki, prinodyus ni Nhiko Sabiniano, at mastered ni Moophs.

Unang napakinggan noong nakaraang buwan ang “Saan?” na bahagi na ngayon ng iba’t ibang Spotify playlists, tulad ng OPM Says Chillax, issa vibe, Tatak Pinoy, at iba pa. Nanguna rin ito sa Pinoy Indie Mix playlist ng Spotify na nagtampok kay Maki bilang cover artist. Nakasama rin ang “Saan?” sa .ORG, isang regional Spotify playlist tampok ang up-and-coming hits mula sa iba’t ibang artist sa Asya. Nakapasok din ang awitin sa Viral 50 Philippines playlist ng Spotify.

Panoorin ang nakakakilig na eksena nina Maki at Karina sa “Saan?” music video at patuloy na pakinggan ang kanta sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube. Maaari rin sundan ang Star Pop sa kanilang Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, puring-puri sa pagkanta ng theme song ng ‘Voltes V: Legacy’

Lyka Estrella, hinirang na ika-anim na Kampyeon ng ‘Tawag Ng Tanghalan’