in

Lyka Estrella, hinirang na ika-anim na Kampyeon ng ‘Tawag Ng Tanghalan’

Sa Lunes, abangan ang bagong bihis ng “TNT” na tatawaging “Tawag ng Tanghalan Duets” kung saan pares-pares ang laban at dalawang pangmalakasang boses ng mga Pilipino ang bibida.

Itinanghal si Lyka Estrella bilang bagong kampyeon ng “Tawag ng Tanghalan” matapos niyang makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na ‘Huling Tapatan’ ngayong araw.

Ani ni Lyka, “Kumapit na lang po ako sa Diyos na mabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban pa kahit sobrang pagod na. Sobrang unexpected kasi lahat sila magagaling. Hindi ko po talaga inakala na from the start. Nagdasal na lang ako talaga kung will Niya ibigay.”

Dinaig nga ng resbaker mula sa Gensan ang kapwa finalists na sina Nowi Alpuerto (95.1%) at Jezza Quiogue (89.6%) matapos makamit ang total combined score na 98.9% .

Nag-uwi si Lyka ng isang milyong piso, bagong house and lot mula sa Camella, isang recording contract sa ilalim ng Star Music, management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at isang Toym Imao trophy.

Naging mahigpit man ang labanan, nasungkit ng ginintuang tinig ni Lyka ang puso ng mga huradong na sina Gary Valenciano, Darren, Jona, Klarisse, Erik Santos, Nyoy Volante, Jolina Magdangal, Jed Madela, Marco Sison, and Louie Ocampomatapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang medley ng mga kanta ni Jessie J.

Labis na kinapitan naman ng manonood ang nasabing tapatan kaya naman napunta ang hashtag nito na #TNT6AngHulingTapatan sa listahan ng Twitter trending topics worldwide.

Sa Lunes, abangan ang bagong bihis ng “TNT” na tatawaging “Tawag ng Tanghalan Duets” kung saan pares-pares ang laban at dalawang pangmalakasang boses ng mga Pilipino ang bibida.

Panoorin ang “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel,TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime Online U” tuwing 11:45 AM sa Kapamilya Online Live.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Maki, nagbalik-tanaw sa dating pag-ibig sa ‘Saan?’ music video

‘Ina Laban sa Anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya, tutugunan ng ‘CIA with BA’!