in

Isang all-star concert experience ang hatid ng ‘ASAP Natin To’ ngayong Linggo

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Sa papalapit na ber months, may paunang regalo na ang iyong ASAP Natin ‘To family hatid ang isang world-class concert treat mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at guest artists ngayong Linggo (Agosto 28) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang isang powerful rock hits from your New Gen Birit Idols JM Yosures, Janine Berdin, Reaven, Fana and Elha.

Maki-party at maki-sayaw kasama ang ASAP’s Queen of the Dancefloor Kim Chiu back-to back kasama sina Janella Salvador, Enchong Dee, Edward Barbers at Kyle Echarri. Paiinitin din ng Flower of Evil lead star na si Lovi Poe and dance floor kasama ang G-force.

Huwag palampasin ang isang special musical birthday perfomance ng nag-iisang maestro na si Louie Ocampo kasama ang Kapamilya ladies na sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Bella Mariano, Alexa Ilacad, Anji Salvador at Maymay Entrata.

Tuloy-tuloy lang ang concert experience at maki-LSS kasama sina Morisette at Darren sa kanilang special Camilla Cabello hit tracks performance na susundan ng isang star-studded “Star Magic Presents,” nina KD, Alexa, Maymay, Belle, Andrea, at Kim, kasama sina Angela Ken, SAB, at Janine Berdin.

Abangan din ang isang nakakakilig na pang-haharana ng mga paborito ninyong Kapamilya leading men JM de Guzman, Donny Pangilinan, Seth Fedelin, KD Estrada at Jameson Blake. At isang powerful contemporary showdown naman ang hatid nina KZ and Kiana.

At huwag palampasin ang special pop performance nina Magui Ford, Claudia Barretto, Arabella Davao and Sam Cruz, mga talented na anak ng Showbiz Royalties na sina Karla Estrada, Marjorie Barretto, Sunshine Cruz at Jackielou Blanco.

At syempre, isang matinding kantahan at 90’s throwback collab ng ASAP Royalties Gary V., Zsa Zsa, Ogie, Angeline, Erik, Regine kasama sina Sheena, Reuven, Lara, Sam M., Gigi, at JM Y ang masasaksihan ngayong linggo.

Isa nanamang bigating concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Daniel Padilla, nalamang Lolo si Ronaldo Valdez sa ‘2 Good 2 Be True’

BGYO, hatid ang Inspirasyon at Lakas sa ‘Darna’ OST na ‘Patuloy Lang Ang Lipad’