in

Daniel Padilla, nalamang Lolo si Ronaldo Valdez sa ‘2 Good 2 Be True’

Samantala, nagdiriwang na si Helena (Gloria Diaz) matapos makumpirmang may sakit ang kapatid.

Litong litong at parang pakiramdam ni Eloy (Daniel Padilla) na niloko siya ng kanyang mahal sa buhay nang malaman ang katotohanang lolo niya si Hugo (Ronaldo Valdez) sa “2 Good 2 Be True.”

Matapos makita ang tunay na nararamdaman ni Hugo para sa kanyang ina, nagdadalawang-isip si Eloy kung talagang may kinalaman ang kanyang lolo sa nangyaring trahedya sa pamilya.

Samantala, nagdiriwang na si Helena (Gloria Diaz) matapos makumpirmang may sakit ang kapatid. Magtagumpay na kaya siyang agawin ang Horizon Grand? Huwag palampasin ang mga susunod pang rebelasyon sa “2 Good 2 Be True” at panoorin ito ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

Maari rin ito subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, at TFC IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Top 12 Hopefuls, masusukat ang talento sa Live Gala shows

Isang all-star concert experience ang hatid ng ‘ASAP Natin To’ ngayong Linggo