in

BGYO, hatid ang Inspirasyon at Lakas sa ‘Darna’ OST na ‘Patuloy Lang Ang Lipad’

Tampok sa pinakabagong P-pop offering nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang excitement at pagtitiwala kay Darna na ginagampanan ni Jane De Leon na nagtataglay ng katapangan at pagmamahal para sa taong-bayan ng Nueva Esperanza.

Nakikiisa ang BGYO sa matinding laban ni Darna ng bagong henerasyon sa nakaka-inspire nitong awitin na “Patuloy Lang Ang Lipad,” ang pangunahing theme song ng bagong ABS-CBN Entertainment series na “Mars Ravelo’s Darna.”

Tampok sa pinakabagong P-pop offering nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang excitement at pagtitiwala kay Darna na ginagampanan ni Jane De Leon na nagtataglay ng katapangan at pagmamahal para sa taong-bayan ng Nueva Esperanza.

Inilusad isang araw bago nagsimulang umere ang “Darna” noong Agosto 15, nakasungkit agad ang soundtrack ng higit sa 136,000 streams sa Spotify at halos 100,000 views sa YouTube. Nanguna rin ang kanta sa iTunes hindi lamang sa Philippines kungdi pati na rin sa Singapore, UAE, at Saudi Arabia pagkalunsad nito.

Inawit din ng BGYO ang kanta sa isang live performance sa “ASAP Natin ‘To” tampok ang powerhouse cast ng “Darna.”

Ang mga Kapamilya singer-songwriter na sina Angela Ken, Trisha Denise, SAB, at Lian Kyla ang sumulat ng liriko ng “Patuloy Lang Ang Lipad” kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang naglapat ng musika at nagprodyus ng awitin.

Samantala, patuloy namang pinag-uusapan ang serye lalo pa’t inaabangan na ng mga manonood ang magiging pagsugpo ni Darna sa mga Extra pati na rin ang nabubuo niyang pagkakaibigan kay Brian Robles (Joshua Garcia).

Mula sa produksyon ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN ang “Darna” na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, CineMo, at TV5. Available rin ito sa iWantTFC at TFC.

Napapakinggan na ang “Patuloy Lang Ang Lipad” ng BGYO sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Isang all-star concert experience ang hatid ng ‘ASAP Natin To’ ngayong Linggo

ABS-CBN, hinirang na Best TV Station of the Year sa Inding-Indie Excellence Awards 2022