in

BGYO, ‘Tumitigil ang Mundo’ kapag in love

Bago ito ilabas, ipinaramdam na agad ng loyal fans ng BGYO na ACEs ang suporta nila sa social media, dahil naging top 5 trending topic ang “TUMITIGIL ANG MUNDO RELEASE” sa Twitter Philippines.

Magpapakilig na ulit ang BGYO sa bagong nilang kanta na “Tumitigil Ang Mundo,” ang unang single sa papalapit na ikalawang album nila.

Bida sa kanta ang perfect na blending ng boses ng mga miyembro na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate kasabay ng upbeat na tunog na swak sa tema ng kanta tungkol sa pag-ibig. Dagdag din sa kilig na dala ng awitin ang lyrics nito na inilalarawan kung paanong ang pagiging in love ay nagiging dahilan para tumigil ang mundo ng isang tao.

Isinulat at ipinrodyus ng ilang musikero at producer mula sa local sound production house na FlipMusic ang “Tumitigil Ang Mundo” at ini-release naman sa ilalim ng Star Music.

Samantala, inilabas na rin ang music video para sa kanta kung saan makikita ang BGYO na nage-enjoy sa isang theme park. Tampok din dito ang cute at bubbly na sayaw para sa awitin na siguradong magpapangiti sa fans.

Bago ito ilabas, ipinaramdam na agad ng loyal fans ng BGYO na ACEs ang suporta nila sa social media, dahil naging top 5 trending topic ang “TUMITIGIL ANG MUNDO RELEASE” sa Twitter Philippines.

Bago ang “Tumigil Ang Mundo,” inilabas ng P-Pop boy group ang single nilang “Best Time,” na nagsisilbing theme song ng “He’s Into Her” season 2.

Nakatakda namang painitin ng BGYO ang stage bukas (Hulyo 15) kasama ang BINI at iba pang P-Pop groups sa Tugatog Music Festival sa MOA Arena at sa “Be You” benefit concert sa Hulyo 22.

Pahintuin ang mundo kapag kasama ang mahal mo at pakinggan ang “Tumitigil Ang Mundo” ng BGYO sa iba’t ibang digital music platforms at panoorin ang music video nito. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagkakasama ni Paulo Avelino sa ‘Flower of Evil,’ pinagkaguluhan sa social media

Audition video ng ‘Idol’ hopeful na si Ryssi Aliva, umani ng 3M views sa YouTube