in

Pagkakasama ni Paulo Avelino sa ‘Flower of Evil,’ pinagkaguluhan sa social media

Masaya si Paulo na mapabilang sa serye, ngunit inamin niyang nahirapan siyang bigyang buhay ang kakaiba niyang karakter.

Inaabangan na ng fans ang mas kapanapanabik na “Flower of Evil” matapos nilang pagkaguluhan sa social media ang sorpresang pag-anunsyo ng misteryosong karakter ni Paulo Avelino.

Ikinatuwa ng netizens ang pagkakasama ni Paulo sa serye nina Lovi Poe at Piolo Pascual dahil siya raw ang “perfect choice” bilang ang “tunay na Jacob Del Rosario.” Si Paulo ang totoong nagmamay-ari ng kanyang identidad na ngayon ay ginagamit ng karakter ni Piolo.

Masaya si Paulo na mapabilang sa serye, ngunit inamin niyang nahirapan siyang bigyang buhay ang kakaiba niyang karakter. Si Jacob kasi ay may misteryosong sikreto at kasalukuyang naka-coma sa isang tagong kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang.

“I feel honored to do this project because it’s the first remake. I’m happy that they’re excited to see me do Jacob Del Rosario. Pero personally, hindi ko masasabi na ako ‘yung perfect choice pero trinatrabaho natin para mag-work. Sana makita niyo ‘yung gawa namin,” sabi ni Paulo.

Dapat abangan ng viewers kung ano ang naging atake ni Paulo sa kanyang karakter, lalo na’t iba ito sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya noon.

“I think it’s different from anything that I’ve done before. Actually nung in-offer sa akin ‘yung role, may nakita akong kakaiba na pwede ko ring gawing kakaiba. ‘Pag medyo kakaiba ‘yung ginagawa, nagiging bago para sa akin at doon ako na-aattract,” dagdag ng aktor.

Ipinasilip na ng serye ang ilang mga eksena ni Paulo bilang si Jacob, kaya naman sabik na sabik na silang mapanood ang mga susunod na rebelasyon.

“OMG si Paulo talaga ang best choice! Iba talaga pag abs ang nag-isip! Sila lang talaga ang malakas!” komento ni Gidget Howser. “The look. The awra. Paulo, you’re gonna nail this one. I know. Mas lalo akong natakot,” tweet ni @belleeynabsnabs.

“Paulo will do it again! Trust me he will deliver again in this role, even above and beyond expectations. Psychopath roles are one of his forte,” ayon naman kay Jace Anne Castri Recto.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paulo Avelino, kakampi o kaaway sa ‘Flower of Evil’?

BGYO, ‘Tumitigil ang Mundo’ kapag in love