in

‘Connected,’ unang sabak sa paggawa ng pelikula ng Star Magic

Sa loob ng tatlong dekada, nagsilbing tahanan ang Star Magic kung saan nahubog ang marami sa malalaki at nagniningning na pangalan sa Philippine entertainment.

Patuloy ang pagningning ng Star Magic para sa kanilang ika-30 anibersaryo dahil pinasok na rin nito ang larangan ng film production, kung saan ipapalabas na ang unang pelikula nilang “Connected” tampok ang ilang reality TV stars mula sa “PBB” simula Hulyo 22 (Biyernes).

Pagbibidahan ang “Connected” ng dating “PBB” housemates na sina Amanda Zamora, Chico Alicaya, Gail Banawis, Ralph Malibunas, Kobie Brown, Andi Abaya, at Richard Juan. Youth-oriented ang tema ng pelikula na tatalakayin ang pag-ibig pati ang feeling na pagiging ‘disconnected’ sa mundong laging connected dahil sa social media.

Bibigyang buhay ng dating “PBB” housemates ang kwento ng pitong kabataan na may kanya-kanyang personalidad, pero pawang na naghahanap ng atensyon, misyon, at pagmamahal.

Magsisilbing katuparan ang “Connected” ng misyon ng Star Magic Studios na ipamalas ang talento ng kanilang mga artista. Matatandaan na noong Pebrero 2022, isa ang Star Magic Studios sa ibinunyag ni Star Magic and ABS-CBN Entertainment Production head Laurenti Dyogi na plano ng pamunuan para sa ika-30th anibersaryo nito.

Ang “Connected” din ang unang pelikula ni Theodore Boborol mula nang ipalabas ang “James & Pat & Dave” noong 2020. Si Theodore rin ang direktor sa likod ng “Vince & Kat & James,” “Finally Found Someone,” at “Just The Way You Are.”

Paano nga ba pagtatagpuin ng tadhana at pag-ibig ang kanilang mga puso? Huwag palampasin ang “Connected” sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV video-on-demand, at SKY Cable pay-per-view distributed by Cine Express simula Hulyo 22. Abangan din ang mall shows ng cast ng “Connected” sa Robinsons Metro East (July 9), Robinsons Galleria (July 10), SM Las Pinas (July 16), Robinsons Antipolo (July 17), at Robinsons Las Pinas (July 23). Pwede ring tunghayan ng fans ang red carpet premiere ng pelikula sa July 21 sa (venue) o i-livestream ito sa Kumu.

Sa loob ng tatlong dekada, nagsilbing tahanan ang Star Magic kung saan nahubog ang marami sa malalaki at nagniningning na pangalan sa Philippine entertainment. Sari-saring workshop ang isinasagawa nito upang mahasa ang iba-ibang talento ng mga artista na kanilang ginagabayan rin upang maging responsable, disiplinado, at may malasakit sa kapwa at mga adbokasiya tulad ng mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.

Sundan ang @StarMagicPhils sa Facebook, Twitter, at Instagram at mag-subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th anniversary celebration ng Star Magic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sing Galing Kids,’ may kiddie invasion sa Vista Mall Taguig on July 9!

‘Lunch Out Loud’ at ‘It’s Showtime,’ back-to-back na ang pagpapasaya tuwing tanghali sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5