in

‘Lunch Out Loud’ at ‘It’s Showtime,’ back-to-back na ang pagpapasaya tuwing tanghali sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5

Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang “It’s SHOWTIME.”

Araw-araw na mabubusog sa saya at madadagdagan ng sigla ang buhay ng mga Pilipino tuwing tanghali sa back-to-back na pagpapalabas ng “Lunch Out Loud” and “It’s SHOWTIME” sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.

Simula Hulyo 16 (Sabado), magsisimula na ang pinakabagong noontime experience ng viewers dahil masusubaybayan ang “Lunch out Loud ” simula 11 am hanggang 12:45 pm at susundan ito ng “It’s SHOWTIME” pagsapit ng 12:45 pm hanggang 3 pm para walang patid ang saya sa tanghalian.

Mae-enjoy ng tropang LOL sa “Lunch Out Loud” ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,” limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog,” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang “It’s SHOWTIME.” Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa “Tawag ng Tanghalan.” Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” atbp. Ang masayang samahan at kulitan ng “It’s SHOWTIME” hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.

Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Pilipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Connected,’ unang sabak sa paggawa ng pelikula ng Star Magic

Paulo Avelino, kakampi o kaaway sa ‘Flower of Evil’?