in

‘Sing Galing Kids,’ may kiddie invasion sa Vista Mall Taguig on July 9!

Ma-e-experience na rin nila sa unang pagkakataon ang Arkidia, ang bagong “play” set ng mga Sing Kulit na sing-testants sa Sing Galing Kids.

Unstoppable talaga ang Sing Galing Nation! Bukod sa isang siksik, liglig, at umaapaw na season 2 – na natutunghayan na rin ngayon worldwide via TFC – abot-kamay na ang pagsisimula ng weekly kiddie family edition ng original videoke kantawanan ng bansa, ang Sing Galing Kids.

Bilang patikim sa excitement na naghihintay sa premiere nito on July 16, makikipag-kantawanan ang cast ngayong Sabado, July 9 sa Sing Galing Kids Kiddiecon sa Vista Mall Taguig!

Kasama sa nasabing kiddie convention ng Sing Galing Kids ay sina Sing Masters K Brosas and Randy Santiago; Jukebosses Ethel Booba and Jona; at Digiverse Master Zendee. Makiki-join din sa ka-sing-yahan ang isa sa newest Jukebosses Morissette; Junior Singtokers Yoyo and Tyronia Fowler; Arkidia Ates Queenay and Mari Mar Tua, pati na ang real-life version ng kwelang si Genie!

Pagsapit ng 1 PM, roronda na si Genie upang yayain ang mga chikiting na bisitahin ang iba’t ibang activity booths, na hatid ng mga brands tulad ng AllToys at Kinder City – kung saan maaari silang manalo ng exciting prizes mula sa Sing Galing at Vista Mall Taguig.

Ma-e-experience na rin nila sa unang pagkakataon ang Arkidia, ang bagong “play” set ng mga Sing Kulit na sing-testants sa Sing Galing Kids.

‘Di pa natatapos diyan ang saya dahil magkakaroon naman ng joy-packed na “kantawanan” mall show at 2 PM featuring performances from our stars, more palaro para sa mallgoers, kwentuhan at tsikahan kasama ang press, at marami pang pasilip sa mga dapat abangan sa Sing Galing Kids.

Ang Sing Galing Kids Kiddiecon ay handog ng Cignal Entertainment, line-produced by CS Studios, sa pakikipagtulungan ng Vista Mall Taguig.

Simula July 16, 6 PM, mapapanood na tuwing Sabado ang Sing Galing Kids sa TV5 at worldwide via Kapatid Channel.

Samantala, tuluy-tuloy ang pa-sing-klaban ng mga Bida-oke Stars sa Sing Galing, na napapanood tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 6:30 PM sa TV5, at mga Kapamilya abroad via TFC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Flower of Evil,’ top-rated show sa Viu

‘Connected,’ unang sabak sa paggawa ng pelikula ng Star Magic