in

Mga kanta sa ‘How to Move On in 30 Days’ sagot nina Jeremy Glinoga at Angela Ken

Nagsanib-pwersa sina Jeremy G at Angela Ken para sa official soundtrack ng kauna-unahang YouTube exclusive series ng ABS-CBN na “How to Move On in 30 Days” na napapakinggan na ngayon sa digital music platforms.

Nagsanib-pwersa sina Jeremy G at Angela Ken para sa official soundtrack ng kauna-unahang YouTube exclusive series ng ABS-CBN na “How to Move On in 30 Days” na napapakinggan na ngayon sa digital music platforms.

Sina Jeremy at Angela ang nagsulat ng mga kantang “Your Everything” at “Hanggang Sa Muli” na sumasalamin sa kwento ng digital series tungkol sa pagmo-move on ng vlogger na si Jen (Maris Racal) mula sa manloloko niyang ex na si Jake (Albie Casiño) sa tulong ng fake boyfriend niyang si Franco (Carlo Aquino).

Tungkol ang key track na “Your Everything” sa kakaibang pakiramdam na mahanap ang isang ispesyal na taong kukumpleto sa’yo. Bukod sa duet nina Jeremy at Angela, mayroon ding solo version si Jeremy ng kanta.

Samantala, heartbreak anthem naman ng serye ang “Hanggang Sa Muli” na inawit ni Angela at ipinapakita ang pagtanggap ng isang tao sa pagtatapos ng isang relasyon. Tinatalakay din sa kanta ang punto kung saan nagpapaalam at nagpapasalamat ang isang tao sa dati niyang karelasyon para sa mga pinagsamahan nila.

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagprodyus ng “Your Everything” at “Hanggang Sa Muli.”

Ngayong taon lang, inilabas ni Jeremy ang debut EP niyang “maybe forever” habang nag-release din ng bagong single si Angela na “It’s Okay Not To Be Okay” at naitampok din sa isang billboard sa Times Square sa New York City para sa EQUAL campaign ng Spotify.

Pakinggan ang original soundtrack ng “How to Move On in 30 Days” sa iba’t ibang digital music platforms at panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 6 PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ashton Salvador, Paolo Alcantara, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn, delikadong mapaalis sa ‘PBB Kumunity’

Anji Salvacion, maraming baon na ‘Feels’ sa first solo concert sa April 30