in

Ashton Salvador, Paolo Alcantara, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn, delikadong mapaalis sa ‘PBB Kumunity’

Sina Ashton Salvador, Paolo Alcantara, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn ang mga nalagay sa alanganin sa bahay ni Kuya dahil sila ang mga nominado para sa ikaapat na eviction night sa darating na Linggo (Abril 24) sa “PBB Kumunity Season 10.”

Sina Ashton Salvador, Paolo Alcantara, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn ang mga nalagay sa alanganin sa bahay ni Kuya dahil sila ang mga nominado para sa ikaapat na eviction night sa darating na Linggo (Abril 24) sa “PBB Kumunity Season 10.”

Nanguna sa listahan si Paolo na may walong puntos, habang nakakuha naman ng tig-limang puntos sina Ashton, Stephanie, at Rob. Nauna namang umalis sa bahay ni Kuya noong Linggo (Abril 17) “Ang Darling Defender ng Parañaque” na si Stef Draper. Hindi sapat ang nalikom na boto ni Stef na 14.39 percent kumpara sa 16.54 percent ni Stephanie at 27.33 percent ni Rob.

Samantala, nag-trending muli ang “PBB Kumunity” dahil sa pagsalang ng teen housemates sa isang History Picture Quiz para sa kanilang Head of Household Challenge. Nais ni Kuya na sukatin pa ang kaalaman ng housemates sa kasaysayan ng Pilipinas at para rin ipakita sa kabataang Pinoy ang kahalagahan ng pag-aaral sa kasaysayan.

Unang nakakuha ng limang puntos sa quiz si Tiff Ronato kaya siya ang tinanghal na Head of Household na may immunity sa ginawang nominasyon. Sumunod naman kay Tiff na nakakuha ng limang puntos sina Maxine Trinidad, Dustine Mayores, Luke Alford, at Gabb Skribikin.

Muli namang nagdiwang ang housemates dahil sa pagkapanalo nila sa weekly task, kung saan salitan silang nagbuhat ng Tree of Sacrifice.

Napukaw din ang damdamin ng viewers sa pagtupad ni Tiff ng mga hiling ng kapatid na may special needs. Hindi napigilan ng “Brainy Big Sister ng Samar” ang kanyang luha ng muling makausap virtually ang kapatid na si John Bradley na inaaruga nito mula nang magtrabaho abroad ang kanilang mga magulang.

Bumuhos pa lalo ang luha ni Tiff habang binabasa ang liham ng ina para sa kanya. Pahayag ng nanay ni Tiff, “Gusto ko lang sabihin sa’yo na sobrang proud ko sa’yo. Sorry dahil kinailangan ko umalis at mapunta sa’yo lahat ng bigat ng obligasyon ko bilang isang ina. Hindi mo pinabayaan lalo na ang bunso mong kapatid,” pahayag ng ina nito. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo mo. Thank you so much ate.”

Ano na naman kaya ang panibagong hamon ni Kuya tungkol sa kasaysayan? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm kasama ang Adult Kumunity Top 2 na si Nathan Juane.

Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mahigit 30 Kapamilya stars, nag-alay ng pasasalamat sa mga tumulong sa Odette Survivors

Mga kanta sa ‘How to Move On in 30 Days’ sagot nina Jeremy Glinoga at Angela Ken