in

BINI at SB19, trending worldwide para sa ‘Kabataang Pinoy’

Wala pang isang linggo ang nakalipas mula nang ipalabas ang lyric at music videos ng kanta pero mayroon na itong higit sa 238,600 na pinagsamang views sa YouTube at pasok din ito sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

Nagsanib-pwersa ang dalawa sa pinakabigating P-pop groups na BINI at SB19 para bigyan ng bagong tunog ang “Kabataang Pinoy,” ang theme song para sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Ito ang unang beses na nagsama ang dalawang grupo sa isang kanta kaya naman nag-trending worldwide sa Twitter ang “KabataangPinoyMV OutNow,” habang nag-trending sa Pilipinas ang #SBINI19_KabataangPinoyMV.

Pinuri ng fans ang bagong bersyon ng kanta, pati na rin ang music video nito na ipinalabas noong Lunes (Marso 21), kung saan ipinakita ang rehearsals ng dalawang grupo para sa kanilang live “PBB” opening night performance.

Wala pang isang linggo ang nakalipas mula nang ipalabas ang lyric at music videos ng kanta pero mayroon na itong higit sa 238,600 na pinagsamang views sa YouTube at pasok din ito sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa “Dubai Adventures” docufilm ng BINI at BGYO. Available pa rin ang VIP tickets sa halagang P1,000 kung saan may access ang fans sa livestream premiere sa Abril 1, red carpet, at replays sa Abril 2 at Abril 3, at mayroon ding general admission tickets sa halagang P399.

Bukod dito, maaari pa ring bumoto ang fans para sa “Music Video Mo” campaign ng TVDG kung saan pwede nilang piliin kung ano ang susunod na music video ng BINI – ang “Here With You” o “Na Na Na.” Para bumoto, pumunta lamang sa official Facebook page ng BINI at magpadala ng Facebook stars o bisitahin ang KTX.ph hanggang Marso 25.

Sa mga gustong bumili ng tickets para sa “BINI & BGYO Dubai Adventures,” bisitahin ang www.ktx.ph. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars, bibida sa NCAA Season 97 Opening Ceremonies ngayong Sabado!

Kapamilya Singers, patuloy sa paghahandog ng mga awitin sa ‘By Request 3’ para sa Odette Survivors