in

‘It’s Showtime’ viewers, maaaring manalo sa bagong interactive game na ‘Madlang Pi-Poll’

Pwedeng makisagot sa mga tanong at manalo ng mga papremyo ang viewers habang nanonood sa bahay ng “It’s Showtime” sa pinakabagong interactive game segment nitong “Madlang Pi-Poll” ngayong Sabado (Hulyo 24).

Para makasali sa laro, mag-log in sa link o URL na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment. Isa-isang ipapakita ng hosts ang mga tanong habang sinasagutan naman ng home viewers ang mga ito sa kanilang laptop, computer, o mobile device.

Imbitado ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang nanininirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game.

Para naman makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

Tuwing Sabado, tatlo hanggang limang home viewers ang maaaring manalo ng cash prizes at special items sa “Madlang Pi-Poll.”

Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” sa “It’s Showtime” simula ngayong Sabado (Hulyo 24) sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, gaganap na madre sa ‘Wish Ko Lang!’

Max Collins at Nico Antonio, magpapakilig sa ‘#MPK’