in

Rhian Ramos, gaganap na madre sa ‘Wish Ko Lang!’

Isang madreng mahaharap sa matinding pagsubok ang karakter na gagampanan ni Kapuso actress Rhian Ramos sa Wish Ko Lang ngayong Sabado (July 24).

Sa kuwento, namatay sa aksidente ang buong pamilya ng madre na si Grace (Rhian) at ng kapatid niyang si Michelle (Ayeesha Cervantes). Akala nila tapos na ang kanilang paghihirap, pero naging biktima pa ng karahasan si Michelle. Babalik si Grace sa kumbento pero nagbago na siya, ayaw na niyang maging isang madre. Sa kanyang pag-alis ay ipapaalaga sa kanya ang dalagang magpapaalala sa kanyang kapatid. Siya si Pauline (Althea Ablan) na gaya ni Michelle ay isa ring rape victim. Magkakaroon ng special bond sina Pauline at Grace, pero unti-unti ring madi-discover ni Grace na sinasapian pala ng demonyo si Pauline.

Kuwento ni Rhian, nag-enjoy raw siya sa pagganap niya sa karakter para sa anniversary episode ng Wish. “Ang ganda nung pagkasulat ng script which always makes my job easier kasi naging klaro yung emotions, and naramdaman ko talaga yung emotions na pinagdaanan niya sa kuwento,” say ng Kapuso actress.

Natutunan din daw niya mula sa kuwento ni Grace ang kahalagahan ng pagiging matatag at ng tiwala sa Diyos.

“Mahirap naman talaga ang buhay, minsan may pagdadaanan tayo na sobrang hirap or sobrang sakit na kaya niyang baguhin ang mga bagay na pinaniniwalaan natin. But iyon talaga ‘yung moments na mas kailangan natin maging matatag at malakas. And kailangan nating maalala that everything happens for a reason, na mayroon tayong Diyos who just wants the best for us and wants us to be better and stronger. Sometimes it requires pain and pressure.”


Panoorin ang “Kumbento,” ang susunod na episode ng Wish Ko Lang para sa month-long anniversary specials nito ngayong Sabado, pagkatapos ng Tadhana sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, may bonding sa fans sa regions ngayong Biyernes

‘It’s Showtime’ viewers, maaaring manalo sa bagong interactive game na ‘Madlang Pi-Poll’