in

Max Collins at Nico Antonio, magpapakilig sa ‘#MPK’

Isang nakakakilig na love story sa pagitan ng isang Pinoy at isang Russian ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 24. 

Bibida sa episode ng #MPK na pinamagatang ‘From Russia with Love’ ang kuwento ng mag-asawang Anna at Eric na gagampanan nina Max Collins at Nico Antonio. 

Patok sa mga Pinoy ang vlogs nina Anna at Eric kasama ang kanilang tatlong anak. Pero bago pa man sila naging isang masayang pamilya, nagkakilala ang dalawa sa Amerika.

Overseas Filipino Worker si Eric noon, habang exchange student naman si Anna. Magkaiba man ng kultura at may language barrier, mahuhulog din ang loob nila sa isa’t isa. 

‘Di kalaunan ay ikakasal ang dalawa at magsisimula ng pamilya sa Amerika. Pero dahil sa hirap ng buhay, mapagdedesiyunan nilang sa Pilipinas tumira. Tila umayos na ang lahat pero susubukan naman ng pandemya ang kanilang pamilya.

Bahagi rin ng episode si Tanya Gomez na gaganap bilang Prescy, ang nanay ni Eric. 

Abangan ang kanilang naiibang love story sa fresh episode ng #MPK ngayong Sabado, July 24, 8:00 pm sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘It’s Showtime’ viewers, maaaring manalo sa bagong interactive game na ‘Madlang Pi-Poll’

‘Born to Win’ ng BINI, may instrumental at a capella versions na