in

Tim Pavino, gusto na mag-move on

May hirit tungkol sa toxic na relasyon ang male crooner na si Tim Pavino sa mapanakit na single niyang “No More You And I” mula sa Old School Records ng ABS-CBN.

“Minsan ang nag-iisang paraan para maayos ang mga bagay na sira ay hayaan pabayaan ito at mag-move na lang sa susunod na kabanata,” simpleng paliwanag ng “The Voice of the Philippines” season 2 semi-finalist sa kanta.

Tampok sa “No More You and I” ang madamdaming tunog ng mga ‘90s slow jam, habang sigurado namang makaka-relate sa lyrics nito ang mga nagsasawa nang manatili sa isang nakakapagod na relasyon.

Isinulat ito ni Tim kasama si Raizo Chabeldin at label head ng Old School Records na si KIKX Salazar, na nagsulat ng dalawang kanta mula sa 2019 “Dreams” EP niya na “Ulap” at “Dalangin.”

Noong 2020, naglabas din siya ng stripped version ng “Dalangin” na kumuha ng inspirasyon mula sa mga panahong mag-isa siya noong quarantine.

Iwanan na ang isang malabong relasyon at pakinggan ang bagong single ni Tim na “No More You And I” sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music apps. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pokwang, umaapaw ang tuwa sa pagiging Kapuso!

Resident band na Six Part Invention, sobrang aliw kay Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!’