in

Pokwang, umaapaw ang tuwa sa pagiging Kapuso!

Isang panaginip kung ide-describe raw ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network.

Pahayag ni Pokwang, “Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for me…parang panaginip.”

Lubos ang pasasalamat niya sa mga paparating na proyektong ipinagkatiwala para sa kaniya. Una na siyang napanood kahapon sa ‘The Boobay and Tekla Show’ kung saan engrande ang naging pagsalubong sa kanya at nagkaron pa ng nakakaaliw na kuwentuhan kasama ang mga hosts.

Dapat ding abangan ang nakalinya niyang episode sa anniversary special ng programang ‘Wish Ko Lang.’

Pumirma ng kontrata si Pokwang noong Biyernes sa ilalim ng GMA Artist Center.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Patok na K-Drama na ‘Lie After Lie’, mapapanood na sa GMA Telebabad

Tim Pavino, gusto na mag-move on