in

Patok na K-Drama na ‘Lie After Lie’, mapapanood na sa GMA Telebabad

Simula ngayong Lunes, Hunyo 21, matutunghayan na ng mga Kapuso viewers at K-Drama fans ang hit series na ‘Lie After Lie’ sa primetime block ng GMA.

Sundan ang kuwento ng bidang si Eunice (Lee Yoo-ri) na masisintensiyahan ng sampung taong pagkakakulong nang akusahan ng pagpatay sa kanyang asawa. Dito ay ipinanganak niya ang anak na si Emma (Go Na-hee). Dahil nakakulong pa, ihahabilin muna niya ang bata sa kanyang mother-in-law na si Diana (Lee Il-hwa).

Lingid sa kaalaman ni Eunice na pinaampon na pala ni Diana ang kaniyang anak at may mga itinatago ring mga sikreto sa likod ng kaniyang pagkakakulong.

Lilipas ang sampung taon na nawalay si Eunice kay Emma at nang makumpleto niya ang sintensiya, agad niya itong hahanapin.

Paano bububuin muli ni Eunice ang kanyang buhay matapos maging biktima ng patong-patong na kasinungalingan?

Tutukan ang pag-uumpisa ng kuwento ng ‘Lie After Lie’ pagkatapos ng Endless Love sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Camille Prats at Iya Villania, balik-taping na para sa ‘Mars Pa More,’ ilang Kapamilya stars naki-join!

Pokwang, umaapaw ang tuwa sa pagiging Kapuso!