in

Camille Prats at Iya Villania, balik-taping na para sa ‘Mars Pa More,’ ilang Kapamilya stars naki-join!

Matapos ang isang taon na work from home setup, reunited na sa wakas ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania para sa kanilang inihandang fresh and star-studded episodes ngayong linggo.

Makikita sa behind-the-scene photos na kuha mula sa kanilang recent taping ang bagong outdoor setup nina Camille at Iya na well-ventilated at close to nature ang dating.

Talaga namang espesyal ang brand-new episodes dahil makakasama nila sina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Rodjun Cruz, Kokoy De Santos, Elijah Canlas, Maureen Larrazabal, Ian Red, at TikTok star na si Aling Nena.

Makikisaya rin para sa pagdiriwang ng birthdays nina Camille at Iya sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Jericho Rosales, Sanya Lopez, at Alden Richards!

‘Wag magpahuli sa masayang chikahan at fun-filled activities na handog ng Mars Pa More ngayong linggo, 8:50AM, sa GMA-7 at GMA Life TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Star Magic, ibibida ang Galing ng Pilipino sa Mundo

Patok na K-Drama na ‘Lie After Lie’, mapapanood na sa GMA Telebabad