in

Dan Ombao, mapanakit ang music video para sa ‘Saranggola’ at ‘Muling Maramdaman’

Mapapanood na ang magkarugtong na music video ng ‘hugot’ songs ni Dan Ombao na “Saranggola” at “Muling Maramdaman.”

Unang bahagi ng kwento ang music video para sa latest single ni Dan na “Saranggola” tungkol sa pagtatapos ng isang relasyon, kung saan ipinapakita ang isang magkarelasyon na dumadaan sa maraming problema.

Itinutuloy naman ang kwento ng music video para sa debut single niyang “Muling Maramdaman” sa pagpapakita ng hirap na pinagdadaanan ng isang taong nawalan ng minamahal.

Parehong Idinirek ni Dan Orozco ang dalawang music video at ipinrodyus ng Ravus by The Film Hat, ang parehong grupo na nasa likod ng viral na “Paubaya” music video ni Moira Dela Torre tampok sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nakatakdang maglabas ang dating “Idol Philippines” finalist ng isang EP na magkakaroon ng limang kanta kasama na ang mga orihinal niyang komposisyon na “Saranggola” at “Muling Maramdaman.”

Damhin ang sakit ng nagtapos na relasyon sa panonood ng music video at pakikinig sa “Saranggola” at “Muling Maramdaman” sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anna Vicente, naghahanda na para sa ‘Ang Dalawang Ikaw’

Elijah Alejo, nanibago sa kanyang role sa ‘I Can See You: The Lookout’