in

Elijah Alejo, nanibago sa kanyang role sa ‘I Can See You: The Lookout’

Malayo sa kanyang previous role as Brianna sa ‘Prima Donnas’ ang karakter na ginagampanan ngayon ni Kapuso actress Elijah Alejo sa third episode ng groundbreaking drama series na ‘I Can See You: The Lookout.’

Mabait at may pagka-naive raw si Christine, ang role ni Elijah sa The Lookout. Kuwento pa niya, “Medyo nanibago po ako sa character ko na napakabait, napakahinhin, and napaka-naïve. Iyong dating character ko po kasi masyadong nakakainis sa buhay.”

Ang The Lookout ay pinagbibidahan nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk Paul Salas, at veteran actor Christopher de Leon.

Kwento ito ng isang raketera girl na nagdesisyong kumapit sa patalim para makahanap ng perang ipangtutustos sa pagpapagamot ng kanyang kapatid na may sakit.

Mapapanood ang ‘I Can See You: The Lookout’ mula Lunes hanggang Biyernes, April 19 – 23, pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dan Ombao, mapanakit ang music video para sa ‘Saranggola’ at ‘Muling Maramdaman’

Top-rating Korean drama series na ‘The Penthouse,’ mapapanood na sa GMA Telebabad