in

MiKel, effortless ang pagpapakilig

Tila walang pressure at natural lang ang chemistry ng Kapuso loveteam na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. May sikreto nga ba sa likod ng kanilang epektibong pagpapakilig sa mga Kapuso fans at viewers?

Ibinahagi ng dalawa na effortless ang tambalan nila at kung ano ang nakikita on screen at sa social media ay ganito talaga sila kahit off-cam.

Say ni Mikee, “Feeling ko that’s why it worked. Because we were not pressured. We weren’t really trying. ‘Yun kami, ganun lang talaga kami mag-asaran.”

Dagdag naman ni Kelvin, “Masaya ako na may mga kinikilig sa amin. Kasi nasi-share namin ‘yung nararamdaman namin sa kanila. Kung hindi kami kinikilig sa isa’t isa, hindi rin sila kikiligin sa amin.”

Pagkatapos ng kanilang pagganap bilang Harvey at Apple sa The Lost Recipe, may nilabas na bagong single sina Mikee at Kelvin na pinamagatang “Two Of A Kind” mula sa GMA Music. Mapapakinggan na ito sa YouTube Music, Spotify, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, may pasilip sa naging taping nila ni Khalil Ramos

Gong Yoo at Park Bo Gum, magsasama sa pelikula sa unang pagkakataon sa ‘Seobok’