in

Gabbi Garcia, may pasilip sa naging taping nila ni Khalil Ramos

Nagpa-sneak peek si Gabbi Garcia sa kanyang latest vlog ng naging locked-in taping ng Love You Stranger noong March bago mag-declare ng ECQ. Treat niya ito sa kanyang fans na sobrang excited na sa kanyang nalalapit na GTV mini-series kasama ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos.    

Ayon kay Gabbi, sobrang similar daw ng fashion style niya sa kanyang character sa series. “The whole look of my character for Love You Stranger is very close to my fashion style. More on flowy dresses, very feminine. Very white and pastels. I’m excited to dress up for my character.”

Isang production designer ang role niya sa series kaya naman daw ‘on-the-go’ shoes ang mga gagamitin niya para rito. 

Bago ang kanilang taping, humingi raw si Gabbi ng advice mula sa ‘All-Out Sundays’ co-stars niya na sina Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza kung ano ba ang mga dapat dalhin sa set.

“It’s my first time to experience this kind of taping. It’s kind of new so I’m a bit nervous. I don’t know if I’m overpacking or I’ve underpacked. I asked Kyline [Alcantara], I asked Julie [San Jose], and Barbie [Forteza] what are the right things to bring,” ani Gabbi sa kanyang vlog.

Abangan ang Love You Stranger, starring Gabbi Garcia and Khalil Ramos, sa GTV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Tunay na Buhay’ ng Juanchoyce, tampok ngayong Miyerkules!

MiKel, effortless ang pagpapakilig