Sasabak na sa recording industry ang dating contestant ng “The Voice Teens” season 2 na si Lukas Magallano sa kaka-release lang niyang debut single na “Magic of Love.”
“When a wish is granted, I am humbled. Salamat sa Star Pop family ko for having me! Sobra ako’ng nagpapasalamat,” sabi ng 15-anyos na aktor at commercial model.
Sakto ang tema ng “Magic of Love” para sa batang mang-aawit, kung saan tinatalakay ang kakaibang pakiramdam ng pagiging in love. Maganda rin ang mensahe nito na mas maganda ang pag-ibig kung kusa itong dumating at hindi hinanap.
Si Jude Gitamondoc ang nag-produce ng masayang kanta mula sa Star Pop na pinangungunahan ni Rox Santos, habang si Anjelo Calinawan naman ang nag-mix and master nito. Si Henrick Pestaño naman ang nag-perform, arrange, at record ng lahat ng instrumentong maririnig sa kanta.
Unang napa-wow ni Lukas ang “The Voice Teens” season 2 coaches na sina Lea at apl.de.ap nang mag-audition siya sa kompetisyon gamit ang kanta ni Vance Joy na “Riptide” ngayong taon, kung saan nakaabot siya sa “The Battles” round bilang miyembro ng FamiLea.
Bago ito, naging bahagi din si Lukas ng palabas na “Team YeY!” bilang isa sa mga kiddie hosts nito. Nakasama rin siya sa pelikulang “A Second Chance” at “Just The 3 Of Us” ng Star Cinema.
Damhin ang “Magic of Love” at pakinggan ang debut single ni Lukas sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Instagram (@starpopph).