in

Round Two ng ‘The Clash’ eliminations, mas intense!

Lalong nagiging kapana-panabik ang Round Two ng eliminations sa Kapuso musical competition na The Clash!

Last weekend, limang eliminated na Clashers ang nakabalik sa laban matapos nilang ipanalo ang all or nothing sing-off na “One More Clash!” 

Kaya ngayong Sabado (October 24) at Linggo (October 25), mas matinding challenges ang haharapin ng bagong Top 20.

Sinu-sino kaya sa kanila ang makaka-survive muli sa hatol ng Clash Panel na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, at guest judge na si Pops Fernandez?

Balita pa namin, may ire-reveal na bagong twist sa competition ang Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, kasama ang Journey Hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan. Ano kaya ito?

‘Wag palalampasin ang “The Clash” ngayong Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Liza Soberano, suportado ng ABS-CBN, Star Magic

‘The Voice Teens’ alum na si Lukas Magallano may debut single na