in

Boobay at Tekla, ipa-prank si Kakai Bautista sa fresh episode ng ‘TBATS!’ 

Magpapasabog ng katatawanan ang comedic duo na sina Boobay at Tekla sa fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo (September 27) dahil ipa-prank nila ang celebrity guest na si Kakai Bautista.

Sa ‘Na-TBATS Ka’, susubukan kunwari ni Tekla na manghiram ng pera kay Kakai na walang kamalay-malay na pinapakinggan ng viewers ang kanilang pag-uusap.

Hindi lang ‘yan, sasabak din ang singer-comedienne na si Divine Aucina at multi-talented actor na si EA Guzman sa nakakatawang translation game na ‘Don’t English Me’. Gaganap din ang dalawa bilang Hansel at Gretel sa nakakaaliw na ‘The Boobay and Tekla Presents’.

‘Wag magpahuli sa good vibes at tumutok sa fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo (September 27), pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Awww! Manoy ni Nikko Natividad, piniga ng jowa

Chris Tiu, balik-studio ngayong Linggo para sa ‘iBilib!’