in

Chris Tiu, balik-studio ngayong Linggo para sa ‘iBilib!’

Mas magiging exciting ang Sunday morning ng loyal viewers ng award-winning infotainment show na ‘IBILIB’ dahil balik-studio na muli ang hosts na sina Chris Tiu at Roadfill kasama ang celebrity guest na si Shaira Diaz.

Ngayong Linggo, ibibida ni StarStruck alumna Pamela Prinster ang isang Pinoy artist sa Bataan na gumagawa ng art pieces gamit ang pako at sinulid.

Aapaw rin ang experiments at practical tips ngayong weekend gaya ng mas mabilis na paraan ng paghuhugas ng pinggan; kung mas matibay ba ang newspaper kumpara sa wooden yardstick; at paggawa ng toy bazooka mula sa vacuum cleaner.

Mamangha sa iba’t ibang experiments ngayong Linggo (September 27) sa pagbabalik-studio nina Chris, Roadfill, at Shaira sa paboritong science show na IBILIB, 9:35AM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Tekla, ipa-prank si Kakai Bautista sa fresh episode ng ‘TBATS!’ 

‘Wagas,’ muling mapapanuod sa GMA Network simula ngayong Linggo