in

Awww! Manoy ni Nikko Natividad, piniga ng jowa

Sa kabila nang na gaganap na pandemya, ang Hashtag member na si Nikko Natividad at ang kanyang jowa ay nagpangiti naman sa maraming netizens sa social media.

Sa Instagram, nag-upload si Nikko ng isang nakakatuwang video na may caption “Sayawan lang @cielo_0227 walang pigaan!! Pag to nainis lalayasan ka! “

Makikita sa video na kanyang sinasayawan ang kanyang partner na si Cielo Mae Eusebio habang nakapatong ang kamay niya sa ulo nito. Patuloy na ginagawa ang nakakatuwang pagsayaw at nang nakulitan na sa kanya ay biglang napiga niya ang “manoy” ni Nikko at napasigaw na lang ng “aaaww…”

Talagang napakwela ng mag-partner na ito lalo na sa kanilang social media account at sa kanilang Youtube Channel. Makikita sa kanilang kung kagaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Anim na taon nang makasama sa hirap at ginhawa sina Nikko Seagal Natividad and Cielo Mae Eusebio kasama ang kanilang unico hijo na si Aiden. Ayon sa kanila, sila ay dating magkaibigan na nagkaibigan.

Bago pa man magkaroon ng lockdown, nakaalis na silang tatlo ng Pilipinas patungo Brunei at doon sila pansamantalang na naninirahan hanggang ngayon.

Si Nikko ay sumikat matapos manalo sa isang segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Gandang Lalake’. Siya rin ay naging isa member ng Hashtag at lumabas rin sa Kapamilya teleserye ‘Kadenang Ginto.’

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bea Binene, balik-taping na

Boobay at Tekla, ipa-prank si Kakai Bautista sa fresh episode ng ‘TBATS!’