in

Pekto Nacua, excited nang mag-host ng ‘E-Date Mo Si Idol’

Simula ngayong Huwebes (September 3), ang Kapuso comedian na si Pekto Nacua na ang regular host ng GMA Artist Center online dating game na E-Date Mo Si Idol.

Nagpapasalamat si Pekto sa oportunidad na ibinigay ng GMA sa kanya ngayong naka-community quarantine. “Malaking bagay rin po talaga na binigyan kami ng pagkakataon ng GMA na gawin ang online shows na ‘to. Very thankful po ako,” aniya. 
 
Kuwento ni Pekto, malaking adjustment ito para sa kanya dahil sanay siya sa dating setup ng pag-shoot. Ngayon, kanya-kanya na silang set up sa kanilang mga bahay. “Medyo nag-a-adjust pa po ako. Siyempre, bago sa buhay namin ‘to. Gaya nga po ng sabi ni Betong (Sumaya), kami po lahat nagsi-set up and nagpe-prepare.”
 
Samantala, ang Prima Donnas star na si Will Ashley ang celebrity searcher na tutulungan ni Pekto na makahanap ng virtual date ngayong Huwebes, 8pm, sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Season 2 ng ‘Quiz Beh,’ mas exciting

Dina Bonnevie at Snooky Serna, todo-paghahanda sa pagbabalik-taping para sa ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’