in

Dina Bonnevie at Snooky Serna, todo-paghahanda sa pagbabalik-taping para sa ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’

Matapos ang ilang buwang taping break, ready nang magbalik-trabaho ang seasoned actresses na sina Dina Bonnevie at Snooky Serna para sa Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

At bilang preparasyon, nagkaroon sila ng script reading kasama ang iba pang cast at production team.

Aminado si Snooky na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa muling pagsabak sa trabaho. Aniya, “I have to be strong. I just have to pray and that’s what I have been doing always, mas naging malapit ako sa Panginoon dahil on my own strength, hindi ko talaga kakayanin ang magtrabaho sa tindi ng takot ko talaga.”

At dahil magbabago ang proseso ng taping sa ilalim ng new normal kung saan mahigpit na ipapatupad ang safety protocols at guidelines, tiniyak naman nina Barbie Forteza at Kate Valdez na makakaasa ang mga manonood na tuloy ang kanilang paghahatid ng kilig at drama. Hahamunin pa nga raw nila si Dina na sumabay sa kanila sa pag-TikTok.

Ready naman si Dina sa kanilang challenge. “Pwede. Natutunan ko na ‘yan during the lockdown.”

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pekto Nacua, excited nang mag-host ng ‘E-Date Mo Si Idol’

Southeast Asian Female Artists, sanib-pwersa para sa ‘Heal’ project ng ABS-CBN Music